PatrolPH

Miyembro umano ng Ducusin Drug Group, patay matapos 'manlaban'

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2021 07:13 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Patay ang isang miyembro umano ng sindikato matapos makipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng San Narciso, Zambales nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, nasawi ang top 8 most wanted ng Zambales na si Russel Tuceno, na miyembro umano ng Ducusin Drug Group, matapos ang isang buy-bust operation sa Brgy. Simminublan.

Tulad ng ibang inaaresto, nagpaputok din umano ang suspek kaya siya napatay ng mga pulis.

Sa impormasyong inilabas pagkatapos ng operasyon, nilinaw nila ang detalye ng koordinasyon sa PDEA kaugnay ng operasyong ito.

Nakuha sa crime scene ang nasa 20 sachet ng hinihinalang shabu at iba pang drug paraphernalia.

Top 1 most wanted din sa Iba, Zambales umano ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.