Bayan ng Alitagtag sa Batangas, handa na sa posibleng pagsabog ng Taal

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2021 10:11 AM | Updated as of Mar 09 2021 10:12 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Handa na ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Alitagtag sa Batangas matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 2 ang bulkang Taal.
 
“Kami naman ay may mga contingency plan na ang bayan namin at almost lahat ng bayan meron na sapagkat kami ho ay last week nag meeting na ng mga mayors at napag-usapan na ang contingency plan,” ayon kay Mayor Edilberto Ponggos.

Itinaas ng Phivolcs ang alert level 2 sa Taal na nagbibigay babala sa pagkakaroon ng magmatic activity na posibleng magresulta sa pagsabog ng bulkan. 

“Wala namang masyadong usok na lumalabas sa bulkan sa ngayon,” sabi ni Ponggos.

Bagamat hindi pa ipinag-uutos ang paglikas ng mga residenteng nakatira malapit sa bulkan, pinapaalalahanan naman ng Phivolcs ang publiko na ang Volcano Island ay isang permanent danger zone at ang pagpasok dito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Nakapagtala ang Phivolcs ng nasa 28 volcanic tremor episodes sa loob ng 24-oras.

“Sa bayan ng Alitagtag, hindi po ramdam ang pagyanig 'yung pong sa part ng Agoncillo at San Nicolas doon po medyo sadyang ramdam 'yung pagyanig ng bulkan,” sabi ni Ponggos sa panayam sa TeleRadyo Martes ng umaga.

Ayon kay Ponggos, meron nang nakatalagang evacuation center para sa mga residenteng sakop ng 14-kilometers danger zone. 

“Meron din kaming contingency plan kung paano i-evacuate 'yung mga hayop,” dagdag niya.

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on  iWantTFC