Bahagi ng barangay sa Sta. Lucia sa QC, isinailalim sa special concern lockdown

ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2021 11:33 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Isinailalim sa special concern lockdown ang isang bahagi ng Barangay Sta. Lucia sa Quezon City dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Nasa 71 pamilya ang apektado ng special concern lockdown sa J. Abad Santos sa Sitio 5 sa naturang barangay. Nakapagtala na ng 10 kaso ng COVID-19 sa lugar na nagsimula sa isang taong inuubo sa lugar at nahawa na ang magkakapitbahay.

Dalawang linggo o 14-days tatagal ang lockdown na nagsimula ng hatinggabi.

Mahigpit naman ang monitoring sa lugar ng Barangay Health Emergency Response Team kung saan bawal ang labas-pasok ng tao kaya namigay ng food packs ang lokal na pamahalaan ng Quezon City. Nagsagawa na rin ng disinfection sa lugar habang nakamonitor din ang City Epidemiologists na siyang magdedesisyon kung mage-extend o mateterminate ng maaga ang nasabing lockdown.
 
- TeleRadyo 9 Marso 2021