PatrolPH

1 patay sa sunog sa Malate, Maynila

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Mar 09 2021 09:13 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Patay na nang matagpuan ang isang ginang na unang naiulat na nawawala sa sunog na naganap sa residential area sa Pablo Ocampo Street sa Maynila nitong Martes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, natagpuan ang bangkay ng 69-anyos na biktima sa loob ng banyo ng nasunog niyang tirahan.

Sabi ng anak ng ginang na si Lilibeth Bernal, una nilang tinulungang makalikas ng bahay ang kanilang matandang ama pero nagulat sila na hindi pala nakasunod ang kanilang ina.

Ilang oras din silang naghanap sa lugar pero pasado alas-8 na ng umaga nang makita ang bangkay ng kanilang ina.

Pasado alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa Malate. Nagulat ang mga natutulog na mga residente at ang iba wala ng nakuhang mga gamit.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire out bandang alas-6:15 na ng umaga.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.