PNP chief balik trabaho sa Lunes matapos ang chopper crash

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2020 09:02 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Balik-trabaho na si Philippine National Police chief Archie Gamboa sa Lunes matapos magpagaling mula sa pagbagsak ng kanyang helicopter nitong Huwebes.

Sa isang video galing sa PNP PIO, nanghingi ng dasal si Gamboa para sa kanyang agarang pagpapagaling.

"Ako ay lumabas ngayon dito para ipakita sa inyong okay ako. Hindi naman ako nasaktan. As a matter of fact, I am going back to office on Monday."

"Tulungan niyo na lang kami na ipagdasal pa 'yung mga nasa ospital pa."

Sa ngayon nananatili pa rin siya at 6 iba pang mga opisyal sa isang pribadong ospital sa Taguig para magpagaling.

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 06 Marso, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.