Lacson: 2019 national budget, namaniobra ni Arroyo

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 01:31 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na nagsingit umano ng milyon-milyong piso ang Kamara sa niratipikahang 2019 national budget. Giit ni Lacson, paglabag ito sa Konstitusyon at pang-aabuso sa kapangyarihan. Mariin namang itinanggi ni House Speaker Gloria Arroyo ang paratang. Tiniyak niyang kung ano ang naaprubahan ng bicameral conference committee, iyon ang ipadadala sa Malakanyang para mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. I-Bandila mo, Sherrie Ann Torres. - Bandila, Martes, 5 Marso, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.