321 bayan sa Pilipinas, walang sariling fire truck: BFP

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2019 04:56 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Hindi bababa sa 321 na bayan sa buong bansa ang wala pang sariling fire truck, ayon sa Bureau of Fire Protection nitong Martes, sa simila ng "Fire Prevention Month."

Kung susundin ang tamang proporsyon na isang fire truck kada 28,000 residente, kulang pa ng 825 na firetruck sa buong bansa, ani Fire Major General Leonald Bañago, hepe ng BFP, sa isang panayam sa "Failon Ngayon."

Mayroong 2,781 na fire trucks and BFP ngunit 22 dito ang "unserviceable" o hindi magamit dahil sa ilang sira.

"Malimit na nakikita ng personnel na nagkaproblema ay yung fire pumps," ani Bañago.

Bumili na ang pamahalaan ng 56 na bagong fire truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.