PatrolPH

Higit P3 milyong halaga ng shabu nasabat sa umano’y drug den sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2022 07:48 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Milyon-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat habang sa kulungan ang bagsak ng 6 na lalaki matapos ang buy-bust operation sa isang drug den sa Taguig City, Huwebes ng gabi

Isinagawa ang operasyon matapos makakuha ng tip na bukod sa bentahan ng ilegal na droga sa lugar ay may drug den din umano roon, ayon sa pulisya.

Nakumpiska sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na halos kalahating kilo at tinatayang nasa higit P3 milyon ang halaga.

Ilang drug paraphernalia rin ang nakuha sa mga suspek pati na ang isang baril at mga bala. Giniba naman ng mga awtoridad ang umano’y drug den.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Comelec gun ban ang isasampa laban sa mga nahuli.—Ulat ni Anna Cerezo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.