Paggiba sa Tandang Sora flyover magsisimula sa 2 linggo

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2019 10:49 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sisimulang gibain ang Tandang Sora flyover sa Quezon City pagkatapos ng 2 linggo, upang bigyang daan ang pagtatayo ng istasyon ng MRT-7 sa lugar, sinabi ng isang opisyal Lunes. 

Bilang paghahanda sa demolisyon, tinatanggal na ng mga awtoridad ang utility lines sa flyover at binabakuran ang lugar, ani Evangeline Evangelista, tagapasalita ng MRT-7 Traffic Management Task Force. 

Pinag-aaralan pa aniya kung kakailanganin sakupin ng heavy equipment ang 3 lane sa lugar. 

Normal pa ang trapiko roon ngayong Lunes, 2 araw matapos isara sa mga motorista ang Tandang Sora flyover at interchange, ani Evangelista.


DZMM, 4 Marso 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.