Home > News Higit 100 health workers sa Pasig, nakatakdang mabakunahan ng CoronaVac ABS-CBN News Posted at Mar 02 2021 09:19 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more in iWantTFC MAYNILA - Mahigit 100 health workers ng Pasig City General Hospital at Pasig City Children’s Hospital ang takdang bakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Martes. Ayon kay Pasig City Public Information Office chief Ron Angeles, nasa 160 na medical frontliners ng parehong ospital ang nakalinya na mabakunahan ng CoronaVac. FAST FACTS: What you need to know about the Sinovac vaccine Sa kabuuan, nasa 1,445 ang health workers sa dalawang ospital. Martes ng umaga gaganapin ang symbolic vaccination na dadaluhan ni testing czar Vince Dizon at Mayor Vico Sotto. Limang empleyado muna ang sasalang sa vaccination at ang ibang frontliner ay babakunahan Martes ng hapon. Ayon kay hospital acting director Arlene Samonte, tumaas pa ang bilang ng mga gustong magpabakuna ng Sinovac nitong mga nakaraang araw. Prayoridad ng lungsod ang mabakunahan ang mga nasa listahan ng Department of Health at ang kanilang alokasyon sa ngayon ay para sa mga health workers. - TeleRadyo 2 Marso 2021 Share Facebook Share on Twitter LinkedIn Viber Sinovac, COVID-19 vaccine, Pasig City, TeleRadyo, Vaccine rollout, COVID, pandemic, health Read More: Sinovac COVID-19 vaccine Pasig City TeleRadyo Vaccine rollout COVID pandemic health