MWSS tiniyak na hindi na mauulit ang water crisis noong 2019 | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MWSS tiniyak na hindi na mauulit ang water crisis noong 2019

MWSS tiniyak na hindi na mauulit ang water crisis noong 2019

Benise Balaoing,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Aminado si Metopolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Patrick Ty na medyo mababa na ang lebel ng tubig sa Angat Dam na siyang nagsu-suplay ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Pero aniya, hindi na mauulit ang nangayri noong 2019 na dalawang linggong nawalan ng tubig ang ilang lugar sa Kamaynilaan.

“We are very concerned, that we have already asked Maynilad and Manila Water to do their, to do what they need to do to augment their water supply,” sabi ni Ty ngayong Martes.

“Masisisguro ko lang po sa ating mga consumers ay hindi po mauulit ang... 2019 water crisis. Hindi po mauulit yun. But baka magkaroon po ng konting inconvenience ngayong darating na summer."

ADVERTISEMENT

“In 2019 kasi, mga 2 linggo walang tubig. Wala pong tubig na lumalabas sa gripo. Ngayon po, sisiguraduhin namin na at least, within 24 hours, ay may tubig na lalabas sa gripo,” ani Ty.

“Ang ginawa namin ngayon, ay binawasan natin yung water pressure. Dati po kasi malakas po yung water pressure, umaabot ng 2nd and 3rd floor sometimes. Ngayon, enough lang po ito sa up to the ground floor level,” ayon sa opisyal.

“Pangalawa ay we’ve asked Manila Water and Maynilad to open up their standby deep wells. Ngayon po ay ni-activate na po nila. Dati po kasi bawal po ang mga deep wells. Ngayon po ay emergency use, pinapayagan na po tayo ng (National Water Resources Board).”

“Pangatlo ay na-activate na po natin ang Cardona Water Treatment Plant for Manila Water customers. Ito po ay kumukuha po ng tubig sa Laguna Lake. Nung crisis po ay hindi pa po ito nade-deliver,” dagdag pa ni Ty.

Dati na ring sinabi ni NWRB director Dr. Sevillo David Jr. na mas handa na ngayon ang bnasa sakaling magkaroon ng kakulangan sa tubig ngayong tag-init.

"Kumpara po noong 2019, mas handa po tayo. Andiyan ’yung mga deep wells . . . At ito pong water treatment facilities, wala rin po noong 2019. Masasabi natin na ito pong mga . . . projects. . . ay makakatulong para mapangalagaan itong limitadong supply sa Angat Dam."

--TeleRadyo, 1 March 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.