SAF member na nambugbog ng traffic enforcer, kinasuhan na

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2017 10:38 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sinampahan ng kasong direct assault si PO1 John Chang ng Special Action Force dahil sa umanoy pambubugbog kay Bobby Luberas na traffic enforcer sa Bacolod City nitong Pebrero na nakunan pa ng cellphone video.

Ayon sa Deputy Inspector General ng Internal Affairs Service, naka schedule ngayong Linggo ang summary hearing sa kaso ni Chang.

Noong nakaraang Linggo, isinailalim sa pre-charge investigation at dinisarmahan na si Chang.

Ayon pa sa opisyal ni Chang, hindi tama ang ginawa ng SAF member na malinaw umanong pag abuso sa kanyang kapangyarihan bilang isang pulis. – Umagang Kay Ganda, 1 March 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.