Bulkang Taal, nagkaroon ng 'moderate steaming'

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 07:28 AM | Updated as of Feb 27 2020 07:29 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagkaroon ng ‘moderate steaming’ ang bulkang Taal kagabi na nagdulot ng pangamba sa mga residente na nakatira sa 7-kilometer radius danger zone partikular sa Agoncillo, Batangas. 

Magdamag na nagmomonitor ang mga residente at lokal na pamahalaan ng Agoncillo, Batangas, kasunod ng namataang moderate steaming ng bulkang Taal na umaabot sa 200 hanggang 300 metro ang taas.

Base naman sa evacuation plan ng San Nicolas, nasa munisipyo ang mga rescue vehicle habang dadalhin sa mga bayan ng Bauan, San Pascual at Batangas City ang mga lilikas.

—Umagang Kay Ganda, Huwebes, 26 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.