Taxi bumangga sa concrete barrier sa Cubao

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2021 01:14 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Wasak ang kanang gulong sa harap ng taxi na bumangga sa concrete barrier sa Cubao, Quezon City.

Galing sa Pasay City ang taxi driver at binabaybay ang southbound lane ng EDSA bandang alas-5:30 ng umaga nang hindi nito mapansin ang mababang concrete barrier sa kalsada.

Ayon sa rumespondeng enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority, maaaring matulin ang takbo ng taxi at nagdalawang-isip sa pagpalit ng linya at hindi na napansin ang barrier dahil madilim pa sa oras na yun.

Paliwanag ng driver, hindi naman siya inaantok. 

Bukod sa sumabog na gulong, basag din ang windshield at side mirror ng sasakyan pero walang nasaktan at nadamay na motorista sa aksidente.

Posibleng kasuhan ang driver ng reckless driving.

Muling nagpaalala ang MMDA sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho.

- TeleRadyo 26 Pebrero 2021