Driver ng truck ng beer, sugatan; mga alak, pinagpiyestahan

ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2020 07:59 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

DAVAO CITY - Sugatan ang driver ng truck ng beer matapos maipit sa minamanehong sasakyan na nahulog sa pangpang sa Lower Tamugan, Marilog nitong Martes. 

Sa salaysay ng saksi na si Noel Gamutan, nawalan ng kontrol ang driver sa palusong na bahagi ng kalsada at humantong sa naturang aksidente.

Ilang mga tao naman ang pinagpiyestahan ang mga beer sa loob ng truck habang hindi pa rumeresponde ang mga awtoridad. 

—Umagang Kay Ganda, Miyerkoles, 26 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.