PatrolPH

9 pamilyang Pilipino na apektado ng lindol sa Turkey, uuwi na sa Linggo

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2023 07:30 PM

Watch more on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC

Kinumpirma ng Filipino Community in Turkey na may siyam na pamilyang Pilipino na apektado ng magnitude 7.8 na lindol ang uuwi na sa Pilipinas sa Linggo.

Sa tala ng Philippine Embassy in Turkey, mayroon pang 40 Pinoy quake survivors ang humiling ng repatriation sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Isa sa mga survivor si Paulina Erdal, kasalukuyan siyang naninirahan sa isang shelter sa Ankara.

Sa loob ng tatlong dekada nais niya nang makasamang muli ang mga kapamilya sa Gapan, Nueva Ecija.

"Nagpupursigi po ako namakauwi sa Pilipinas, 32 years na ako ngayon hindi nakakauwi kaya po gusto ko na makauwi. Naghingi po ako ng tulong sa embahada ng Pilipinas salamat po sa tulong nila sa amin," dagdag ni Erdal.

Sa pagbisita ng Filipino Community team sa Ankara, namahagi sila ng damit, pagkain at tulong pinansyal sa ating mga apektadong kababayan.

Watch more News on iWantTFC

"Ngayon po winoworkout na namin yung cash assistance na iaabot ng filcom leaders and members dito sa mga kababyan natin na nanggaling pa sa East Turkey," sabi ni Weng Timoteo, Vice President ng Filipino Community in Turkey.

Dito sa Pilipinas, natanggap na ng pamilya ni Emily Bayir ang pinansyal na tulong mula sa Filipino community sa Turkey.

Si Bayir ay natagpuang wala ng buhay sa ilalim ng kanilang gumuhong bahay Kasama ang tatlong anak.

Nangako naman ang Filipino community na tutulungan ang lahat ng apektadong Pinoy na muling makabangon at makapagsimula ng bagong buhay -- sa Turkey man o sa Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.