Bangkay ng babae nakahandusay sa bahay sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 07:42 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa loob ng kaniyang bahay na may saksak sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan nitong Biyernes sa Kawit, Cavite. 

Walang saplot pang-ibaba at nawawala rin ang wallet ng 29 anyos na customer service representative na biktima at natagpuan din ang isang kutsilyo na may bahid pa ng dugo sa pinangyarihan ng krimen. 

Solo lamang ang biktima sa kaniyang bahay na rumaraket din bilang paint artist para masuportahan ang pamilya sa probinsiya.

—Umagang Kay Ganda, Martes, 25 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.