Ilang tindero ng karneng baboy sa Commonwealth Market, dumidiskarte para kumita

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2021 09:10 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Balik na sa pagtitinda ang ilang meat vendors sa Commonwealth Market sa Quezon City matapos ang ilang araw na pakikilahok sa pork holiday.

Pero marami pa ring meat vendors ang hindi pa nakakapagbukas muli ng kanilang negosyo dahil hindi sila makasabay sa price ceiling at hindi rin kaya ang mataas na presyuhan ng kanilang mga supplier. 

Dumidiskarte na lamang ang iba sa kaniila habang nakasara ang puwesto tulad ng pag-extra sa katabing meat vendor para tumulong sa pag-chop ng karne para may kita pa rin.

Ayon sa isang meat vendor, may parating sanang supply ng baboy mula sa Department of Agriculture pero nagkaproblema lang umano sa biyahe.

Inaasahan na sa pagdating ng supply mula sa DA ay mas marami pang mga nagtitinda ng baboy ang makakabalik na sa pagnenegosyo sa nasabing palengke.

- TeleRadyo 24 Pebrero 2021