PatrolPH

Lola, lalaking high-value target arestado sa buy-bust sa Cavite

Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2022 07:19 AM

Watch more News on iWantTFC

Kalaboso ang lalake na isang high-value suspek umano at ang 59-anyos na lola sa isinagawang buy-bust sa Barangay Pasong Camachile, General Trias City, Cavite nitong Lunes.

Kinilala ang mga suspek na si alyas Jaypee, 22, at ang balo na si alyas Neri, na mga residente ng Barangay Pasong Camachile II.

Nahuli ang 2 nang positibong makabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang police na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang 3 pang sachet ng hinihinalang shabu.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kauganayan ang mga nahuli sa isang drug group na nag-o-operate sa lungsod.

Tumanggi naman nang magbigay ng pahayag ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.