Pinoy engineer may malaking papel sa misyon ng Perseverance rover sa Mars

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2021 12:16 PM

Watch more on iWantTFC

Matapos ang matagumpay na paglanding ng Perseverance Rover sa planetang Mars, aligaga pa rin ang maraming fans ng space exploration dahil sa maksaysayang misyon na ito.

Sa livestream chat ng NASA, ipinakilala nito ang dalawang miyembro ng team na susi sa matagumpay na landing. 

Isa dito ang Pinoy engineer na si Gregorio Villar III, na malaking bahagi sa paggawa at pag-test ng system na nag-land ng Perseverance sa Mars.

Pinag-usapan nila ang ilang bahagi ng misyon na pag-aaralan ang planeta. Ikinuwento rin nila kung paano sila nakapasok sa kanilang kasalukuyang career.

Ipinanganak si Villar sa America pero nag-high school sa Baguio City. Ibinahagi niya na hindi niya pinangarap na maging astronautical engineer at muntik na siyang maging isang accountant.

- TeleRadyo 21 Pebrero 2021