Mister na nakapatay sa kanyang misis sa Pangasinan, sumuko na

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 07:05 AM

Watch also in iWantTFC

Sumuko na ang 37 anyos na lalaking suspek sa pagpatay sa kanyang misis dahil umano sa selos sa Sta. Barbara, Pangasinan. 

Ayon sa suspek, nagawa niya lamang ang pagpatay dahil sa pagtataksil umano ng asawa. 

Nitong Martes, nadiskubre ng mga anak ng mag-asawa ang duguang katawan ng kanilang 38 anyos na ina sa kanilang kwarto sa Barangay Cabalong. Nagtamo ng mga saksak sa tagiliran at braso ang biktima. 

Sa imbestigasyon ng mga pulis, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa bago ang krimen. 

Desidido na rin ang pamilya na maghain ng kasong parricide sa suspek.

—Umagang Kay Ganda, Huwebes, 20 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.