Milk tea shop sa QC ninakawan

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2021 07:33 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nagtangkang nakawan ng isang tindero ng pinya ang isang milk tea shop sa Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City nitong Huwebes.

Isinumbong ng isang matanda ang pagnanakaw sa 2 empleyado ng milk tea shop kaya nahabol ang suspek.

Ninakaw ng suspek ang isang karitilya na nasa labas ng tindahan. Naabutan naman ng mga rumurondang tanod ang suspek habang patakas.

Naaresto ang magnanakaw na kinilalang si Regie Martin, isang tindero ng pinya sa lugar.

Inamin ng suspek na ninakaw niya ang karitilya dahil sa kahirapan. Pero ayon sa mga tauhan ng barangay, hindi ito ang unang beses na nahuli si Martin na nagnakaw.

Dati na rin siyang nahuling nagnakaw ng bike. Humingi ng tawad sa staff ng milk tea shop ang suspek at nabawi ang karatilya pero sasampahan pa rin siya ng reklamong theft. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.