PatrolPH

Batangas patuloy ang paghahanda sa maaaring pagaalburoto ng Taal Volcano

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2021 08:49 AM | Updated as of Feb 18 2021 11:01 AM

Watch more on iWantTFC

TAAL, Batangas (UPDATE) - Patuloy ang paghahanda ng mga lokal na awtoridad sa paglikas ng mga residente sa Batangas dahil sa banta ng pagaalburoto ng Taal Volcano.

Sa pinakamalalang sitwasyon, dadalhin ang mga lilikas na residente sa mga kalapit na lalawigan, tulad ng Cavite at Laguna, upang masunod ang minimum health protocols.

Nasa 2,000 ang residente ng Taal Volcano island, ang iba rito ay nabigyan na ng pabahay ng National Housing Authority sa mga bayan ng Ibaan at Balete, Batangas.

Nagsimulang lumikas ang mga residenteng bumalik sa pulo noong Martes.

--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.