DOH, nakaalerto pa rin para maiwasang kumalat ang COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Feb 18 2020 07:22 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nakaalerto pa rin at hindi pakampante ang Department of Health (DOH) sa kabila ng pagbaba ng bilang ng patients under investigation (PUI) sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa huling tala ng DOH sa pag-ere ng istoryang ito, mayroon pang 171 PUIs na naka-confine sa iba’t ibang ospital sa bansa at 350 naman ang na-discharge na. Negatibo naman sa naturang virus ang 453 katao. 

Ayon sa DOH, nahihirapan silang ma-contact ang iba pang pasaherong nakaugnayan ng mga nagpositibo sa COVID-19 dahil sa maling impormasyon o ‘di kaya’y hindi gumaganang mga contact number na nakalagay sa passenger manifest form.

Kaya naman nagpulong na rin ang DOH at iba’t ibang sektor gaya ng food and beverage industry kabilang ang mga may-ari ng hotel para talakayin kung paano maiiwasang kumalat pa ang naturang virus. 

Muling paalala ng ahensiya na kahit saan ay pwedeng makuha ang COVID-19 kaya payo nilang ugaliing maghugas ng kamay at umiwas sa matataong lugar. 

—Umagang Kay Ganda, Martes, 18 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.