Home > News 5 trafficking victims sa Myanmar ginamit sa catfishing, crypto scam ABS-CBN News Posted at Feb 17 2023 07:23 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Nakauwi na sa Pilipinas nitong Huwebes ng gabi ang 5 overseas Filipino workers na nabiktima ng human trafficking sa Myanmar. Ayon sa DFA, na-recruit sa internet ang mga Pinoy bilang customer service representative habang sila ay nasa Dubai. Sa Thailand ang alok na trabaho. In-engganyo ng recruiter ang mga OFW na libre ito at hindi kailangan umano ng work visa. Pero pagdating sa Thailand, nilipat sa Myanmar ang mga Pinoy. Ilegal na aktibidad na online, tulad ng pag catfish at cryptoscam ang pinagawa umano sa kanila. The Sam Morales story isn’t just a catfishing story—it’s a portrait of transphobia in the Philippines Ayon sa isa sa mga biktima, hindi umano natupad ang mga pangako ng recruiter. Ayon sa DFA, sasailalim sa reintegration ang mga biktima. Bibigyan din sila ng psychological evaluation at assistance. Asahan na may dadating pa umano ng mga OFW na nasagip mula Myanmar at ibang bansa sa mga susunod na linggo. - Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: OFWs Myanmar human trafficking DFA