PatrolPH

Higit P400k halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Malabon

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2022 07:32 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Kalaboso ang tatlong indibidwal matapos malambat sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Hulong Duhat, Malabon.

Batay sa paunang impormasyon ng Northern Police District, dalawang babae at isang lalaki ang naaresto sa operasyon. 

Pawang mga residente sa lugar ang 3 at nagbebenta umano ng ilegal na droga sa ibat ibang lugar sa Malabon.

Nakipagtransaksyon ang police na nagkunwaring buyer para sa isang sachet ng hinihinalang shabu, at nang magpositibo na ang palitan ng pera at droga ay dun sila inaresto.

Nakuha sa kanila ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P443,000. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.