Home > News 6 anyos patay sa sunog sa Quezon City; 9 na bahay natupok Nico Bagsic, ABS-CBN News Posted at Feb 17 2022 06:16 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Patay ang isang 6 na taong gulang matapos maiwan sa loob ng isa sa 9 na bahay na nasunog sa kanto ng Don Primitivo at Don Vicente Street sa Barangay Holy Spirit, Quezon City bandang alas-9 Miyerkoles ng gabi. Ayon sa tiyahin ng bata, hindi na nila nagawang mailigtas ito matapos tuluyang lumaki ang apoy sa kwarto na tinutulugan nito. Masuwerte namang nakatakbo agad ang 2 kapatid ng batang nasawi. Bata patay sa sunog sa Maynila Nakaligtas din sa sunog ang isa pa niyang kapatid na nabitbit ng kanilang nanay papalabas ng bahay. Halos 760 pamilya nasunugan sa Cavite Bukod sa batang biktima, wala nang ibang nasugatan sa insidente. Ayon sa Bureau of Fire Protection, tinatayang nasa mahigit kumulang P25,000 ang halaga ng nasirang ari-arian sa insidente na umabot sa first alarm at tumagal ng isang oras. Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber sunog, Quezon City, BFP, Bureau of Fire Protection, Tagalog news Read More: sunog Quezon City BFP Bureau of Fire Protection Tagalog news