175 bombero naglinis sa Manila Bay

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2019 10:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Lumahok ang nasa 175 bombero ngayong Linggo sa malawakang rehabilitasyon ng Manila Bay na nasa ikatlong linggo na.

Gamit ang mga pala, tinanggal ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection-Metro Manila ang mga dahon at basurang nakabara sa drainage ng look na sakop ng Pasay.

Tone-toneladang basura na ang nahakot ng mga government worker at volunteers mula nang magsimula ang rehabilitasyon ng Manila Bay at mga kalapit na lugar nitong Enero 27.

Nagsimula nang bumuti ang kalidad ng tubig sa lugar pero hindi pa rin ito ligtas upang pagpaliguan, ayon sa Department of Environment and Natural Resources.

Maaaring abutin ng ilang taon at P47 bilyon ang paglilinis ng Manila Bay, sabi ng ilang eksperto.

DZMM, 17 Pebrero 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.