11 misa gaganapin sa Quiapo Church para sa Ash Wednesday

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2021 09:09 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nakahanda na ang Quiapo Church para sa Ash Wednesday. Maging ang mga pulis ay naghahanda na rin sa pagdagsa ng mga tao sa simbahan.

May 11 misa na gaganapin sa Quiapo Church sa Miyerkoles na mag-uumpisa alas-5 ng umaga habang alas-8 naman ng gabi ang huling misa.

Ayon sa Sta. Cruz Police Station may dagdag police deployment sa paligid ng simbahan. Ipatutupad din nila ang hiwalay na entry at exit points sa Plaza Miranda.

Ito’y matapos na rin payagan ang 50 percent capacity sa loob ng simbahan na pumasok sa loob.

Nasa 500 na ang pwedeng magsimba sa loob ng simbahan. Pwede pa rin magsimba sa labas ng simbahan. May mga markers pa rin sa gilid sa Quezon Boulevard at Carriedo.

Bukod sa markers, may harang din sa paligid ng Plaza Miranda.

Nagpaalala naman ang simbahan na ang Miyerkoles ng Abo ay mahalagang araw ng pag-aayuno. Kung nasa hustong gulang, obligasyon ang pagbabawas sa pagkain, pagkukumpisal, pagkakawanggawa at pagaalay ng panalangin.

Ipinaalala din ng simbahan ang pagsunod sa mga health protocol.


- TeleRadyo 16 Pebrero 2021