PatrolPH

Ilang delivery riders may libreng COVID-19 vaccine

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2021 08:04 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Nag-anunsiyo ang isang delivery courier company na kasali sa kanilang vaccination program ang lahat ng kanilang mga empleyado, kabilang na ang delivery riders.

Sa pahayag ng LBC, lahat ng 10,000 empleyado ang matuturukan ng libreng COVID-19 vaccine na bibilhin nila mula sa iba't ibang manufacturer. 

Ito rin aniya ay sa pagkokoordinasyon nila sa gobyerno. Wala pang eksaktong araw o iba pang detalye ang ibinigay ng kompanya.

Ang delivery sector ay isa sa mahalagang industriya ngayong pandemya kaya dumami ang nagpadeliver sa kanilang mga tahanan.

Importante aniya na masiguro ang kaligtasan ng delivery riders at mga kustomer. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.