10 timbog sa ilegal na sabong sa Las Piñas, Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2021 07:50 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Nahuling nagsusugal sa kalye ang 10 lalaki sa lungsod ng Las Piñas at Muntinlupa nitong Linggo.

Sa Las Piñas, inaresto ang 4 na nagsasabong sa Barangay Pamplona Tres nang madatnan ng mga pulis habang nagsasagawa ng Oplan Galugad.

Ayon sa Southern Police District, nahuli pa ang mga lalaki na walang suot na face mask at nag-iinuman.

Kinumpiska ang manok na panabong, mahigit P800 na perang pangtaya at alak.

Sa Muntinlupa City naman, tanghaling tapat nang mahuli ang 6 na lalaki na nagtutupada sa Barangay Buli. Nakuha sa kanila ang 2 fighting cock at pagtaya na aabot sa P2,500.

Kakasuhan ang mga lalaki ng illegal cockfighting. - Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.