Walang kasintahan? 2.5 milyon single na Pinoy, nasa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 09:28 AM | Updated as of Feb 14 2020 10:49 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tinatayang 3 sa 10 o 31 porsiyento ng mga single na Pinoy ay nakatira sa Metro Manila, ayon sa pananaliksik ng ABS-CBN Investigative and Research Group. 

Sa datos na nakuha ng mga mananaliksik sa 2015 Census of Population, nasa 14.75 milyon sa 58.63 milyong kabuuang populasyon ng bansa mula sa edad 20 pataas ang single pa rin. 

Mula sa kabuuan, nasa 2.53 milyon na single ang naninirahan sa Metro Manila. Pinakamaraming single sa Quezon City na aabot sa 581,651 katao (23%), sususod ang Maynila na may 348,260 katao (14%) at ikatlo naman ang Caloocan City na may 275,393 katao (11%).

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 14 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.