Presyo ng rosas sa La Trinidad, Benguet, bumaba dahil sa dumating na imported na bulaklak

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 08:35 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Bumaba ang presyo ng mga rosas sa flower farm sa La Trinidad, Benguet dahil sa mga imported na bulaklak na galing sa Thailand at China, ayon sa mga magsasaka.

Mula sa P700 hanggang P900 na kada bundle bumagsak na sa P500 kada bundle ang presyo ng rosas sa nabanggit na probinsiya ngayong araw ng mga puso.

Makakabawi sana ang mga flower farmer sa kita pero kumpara noong nakaraang taon mas mababa ang kita nila ngayon.

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 14 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.