500M kilong karne maaaring mawala dahil sa banta ng ASF

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2020 08:06 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tinatayang 500 milyong kilong karne mula sa 8 milyong baboy ang mawawala kung hindi mapipigilan ang pagkalat ng African swine fever o ASF, ayon sa Philippine Veterinary Drugs Association.

Kapag nangyari ito, bababa ang supply ng karne kaya posibleng sumipa ang presyo ng ibang pangunahing produktong agrikultural.
Mabilis naman ito umanong pipigilan ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng paglabas ng suggested retail price.

Isa naman sa mga nakikitang alternatibo ng ahensiya na alternatibo sa karneng baboy ay ang karne ng kuneho.

Konti pa lang ang mga rabbit farm sa bansa kaya susuportahan umano nila ang pagpapalago ng industriya nito.

—Umagang Kay Ganda, Huwebes, 13 Pebrero, 2020