Pagtaas ng SRP ng face mask sa P12 kada piraso, isinusulong

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 07:30 AM

Watch also in iWantTFC

Isinusulong ng Department of Trade and Industry na itaas ang suggested retail price o SRP ng face mask sa P12 kada piraso.

Posible kasi umanong magkaproblema ang suplay sa merkado kung hindi na gumawa ng bagong face mask ang local manufacturer na naka-base sa Bataan.

Pag-aaralan muna ng Department of Health kung panahon na para itaas ang SRP ng face mask.

Nagkakaubusan na ng face mask, hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo dahil sa banta ng novel coronavirus o COVID-19.

—Umagang Kay Ganda, Miyerkoles, 12 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.