Seguridad sa New Clark City, hinigpitan sa kabila ng banta ng 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 07:59 AM

Watch also in iWantTFC

Nananatiling naka-lockdown ang buong New Clark City, Capas, Tarlac kung saan dinala ang mga repatriated na mga overseas Filipino workers o OFW mula Hubei province, China para matiyak ang kaligtasan sa novel coronavirus o 2019-nCoV.

Walang pwedeng pumasok kahit kakilala, maging mga kaanak ng mga naka-quarantine sa loob ng Athletes Village bilang isa sa mga preventive measures at protocols ng mga awtoridad para masiguro ang kaligtasan ng lahat habang patuloy na inoobserbahan at minomonitor ang 32 repatriated na mga Pinoy mula sa Hubei.

Tulad ng ibang mga patients under investigation, kailangan maipadala ang specimen ng mga OFW sa Research Institute for Tropical Medicine para masuri, at kung lumabas na 2 beses itong nagnegatibo sa lab test, maaari na itong i-discharge sa ospital.

—Umagang Kay Ganda, Martes, 11 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.