Duterte: May sapat na pondo para sa paghahanda sa banta ng 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 07:16 AM

Watch also in iWantTFC

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na may sapat na pondo ang pamahalaan para tugunan ang banta ng novel coronavirus o 2019-nCoV.

Sa pagtitipon ni Duterte at ng mga local chief executives sa Pasay City nitong Lunes, inihayag din ng pangulo na plano niyang gamitin ang pulis at militar sa pagpapanatili ng kaayusan, sakaling maging pandemic ang 2019-nCoV.

Inihayag din ng pangulo na sinubukan umanong iligtas ng pangulo ng US na si Donald Trump ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Binanatan ng pangulo ng Pilipinas ang tinawag niyang pag-insulto ng Amerika sa soberanya ng bansa.

Kinuwestiyon din ni Duterte kung talaga bang may benepisyo ang bansa sa VFA gayong nagpahayag ng kumpiyansang hindi aatake ang China. 

—Umagang Kay Ganda, Martes, 11 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.