Tulog o bonus? Mga antuking pulis, binalaan ni Albayalde

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2018 12:30 PM | Updated as of Aug 15 2019 12:40 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Posibleng matanggalan ng bonus para sa isang buong taon ang mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho, ayon mismo sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). 

Nagbabala si NCRPO Director Oscar Albayalde sa mga pulis na mahuhuling natutulog sa trabaho na kakasuhan sila. 

"Puwedeng reprimand po 'yan o suspension. 'Pag ikaw ay na-suspinde kahit na 1 araw lang sa serbisyo, tanggal po 'yung bonus mo sa isang taon," sabi ni Albayalde sa DZMM. 

Matatandaang sinibak ang mga hepe at tauhan ng ilang police station nitong nakaraang linggo matapos silang abutang natutulog at nag-iinuman ni Albayalde. 

Bumuo na ng team na mag-iikot sa madaling-araw upang tiyaking nagtatrabaho ang mga pulis na naka-duty, sabi ni Albayalde. 

"Nag-create na po tayong 'red team' coming from the regional headquarters at sila po ay makakasama nating mag-ikot sa madaling-araw... Ia-account natin lahat ng [on] duty," sabi ni Albayalde. 

Apela niya sa mga tauhan, "Dinoble na nga po ang aming suweldo, sana suklian naman natin ito ng pagseserbisyo."

DZMM, 11 Pebrero 2017 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.