PatrolPH

SUV na may 27 kilong ilegal na droga, iniwan sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2023 06:51 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Hindi inakala ng isang tindera ng kwek-kwek sa Parañaque City na milyong-milyong halaga na pala ng pinagbabawal na gamot ang lulan ng isang pulang SUV na nakaparada sa harap ng kanyang tindahan.

Kuha sa CCTV kung paano pinarada at iniwan ng lalaking nagmaneho ng SUV ang sasakyan bandang alas singko ng hapon nitong Miyerkoles.

Nakita pa siyang tumatakbo papunta sa direksyon ng NAIA Road.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque PNP, isinumbong ng barangay traffic ang kahina-hinalang sasakyan dahil pinarada ito sa tapat pa mismo ng pedestrian crossing.

Nang buksan, tinatayang nasa 27 kilo ng hinihinalang illegal na droga na nakabalot sa Chinese teabags ang natagpuan sa trunk ng SUV. Tinatayang nasa P183 milyon ang halaga nito.

Nakuha rin sa SUV ang ilang IDs, vaccination card, at pera.

Tuloy naman ang pagtukoy sa driver na nakunan sa CCTV at mas malalimang imbestigasyon sa insidente. - Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.