PatrolPH

Mga bulaklak sa Dangwa Market nagmahal bago mag-Valentine's Day

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2023 06:56 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Asahan na ang pagtaas sa presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market sa Maynila dulot ng papalapit na Valentine’s Day.

Ngayong araw umabot sa P200-P300 ang dagdag sa presyo kada bundle ng iba’t ibang klaseng bulaklak 

Inaasahan na dodoble pa umano ang presyo ng suplay na darating sa kanila sa mga susunod na araw.

Kaya may ilang mga may-ari ng maliliit na flower shop ang bumili na ng supply para makatipid

Para naman sa balak mag regalo sa Valentine's Day at gusto makamura, nagpayo ang mga nagtitinda na bumili ng carnations, sunflower, lily, or stargazers ngayong araw dahil matagal ang buhay ng mga ito

Ang mga arrangement naman ay naglalaro sa P300-600 ngayon.

Pero kung roses ang balak iregalo sa minamahal, masyado pa umanong maaga para bumili at mas mabuti kung sa susunod na linggo na lamang .

Isa pang diskarte umano na pwede gawin para makatipid ay bumili ngayon ng dried flowers dahil nagtatagal kasi ang mga ito ng higit isang taon.

Naglalaro ang presyo ng isang bouquet sa P700-P800, depende sa arrangement.

Sa susunod na linggo, posibleng umabot ang mga presyo nito sa P,1400-P,1800.

Sa Pebrero 12, inaasahan do-doble pa ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa Market. - Ulat ni Anna Cerezo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.