PatrolPH

2 patay sa sunog sa Krus na Ligas

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2023 06:47 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Dalawa ang nasawi sa sunog sa Krus na Ligas, Quezon City Huwebes ng madaling araw.

Pasado alas dos ng madaling araw natupok ang ikalawang palapag ng isang 2-story apartment sa Krus na Ligas.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na idineklarang “fire out” bago mag alas tres ng madaling araw .

Ayon kay Fire Senior Superintendent Aristotle Bañaga, nasa 12 firetrucks ang rumesponde sa sunog. Base sa kanilang pagtaya, aabot sa P20,000 ang halagang naabo.

Ang mga nasawi ay natagpuan sa isang silid ng apartment.

Dagdag ni Bañaga, agad naagapan ang pagkalat ng apoy pababa sa unang palapag.

Tuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP sa naging sanhi ng sunog at inaantay pa rin ang magiging result sa imbestigasyon ng SOCO sa lugar. - Ulat ni Champ de Lunas

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.