PatrolPH

Nasa P600K halaga ng umano’y marijuana nasabat sa Bacoor

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2022 06:18 AM

Watch more News on iWantTFC

Timbog ang 1 lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA Cavite at Bacoor City Police sa Barangay Molino 1, Bacoor City.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng concerned citizen tungkol sa umano’y pagtutulak ng naturang lalaki ng marijuana.

Napag-alaman ding high-value drug suspect pala ang lalaki, dahil malakihan na ang kaniyang pagbebenta ng marijuana.

Nagpositibo ang buy-bust matapos siyang magbenta ng P500 halaga ng marijuana sa nagpanggap na buyer.

Bloke-bloke naman ng marijuana ang kumpiskado sa kanya na abot sa P600,000 ang halaga.

Iniimbestigahan pa ngayon kung saan nanggagaling ang suplay ng suspek.

Kasong pagbebenta ng ilegal na droga ang haharapin ng lalaki.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.