PatrolPH

Chinese national arestado sa umano'y pagdukot sa kapwa Tsino

ABS-CBN News

Posted at Feb 09 2021 07:47 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang isang Chinese national sa Pasay City dahil sa umano'y pagdukot sa dalawa nitong kapwa Tsino noong 2018.

Sa bisa ng arrest warrant nahuli ang suspek na si Ju Wenping, isang miyembro umano ng Chinese kidnapping syndicate, sa Leverizan Street, Pasay.

Humingi ng halos P15 milyong ransom mula sa pamilya ng mga biktima sa China ang mga suspek noong 2018 na ipinadala sa pamamagitan ng 4 na money transfer, ayon sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group.

Pinasakay ng flight papuntang China ang mga biktima ngunit gumawa ng komosyon sa Ninoy Aquino International Airport kaya nakuha ang atensyon ng mga awtoridad. Nakatakas naman ang 2 suspek.

Nakakulong na sa PNP-AKG lockup cell ang suspek.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.