PatrolPH

Taxi driver ginulpi ng dating asawa ng live-in partner, 2 pa

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2023 01:02 PM

Watch more on iWantTFC

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang taxi driver na si Sonny Ratreta matapos pagtulungang gulpihin ng tatlong lalaki. 

Kwento ni Sony, hinataw rin ng tubo ang kanyang ulo at sinaksak pa siya sa balikat.

Ang pangunahing suspek sa krimen, ang dating asawa ng kanyang ka-live partner, labing apat na taon na ang nakakaraan.

Sabi ni Sonny kauuwi lamang niya nang makarinig siya ng malakas na kalampag sa labas ng kanilang bahay.

Hinahampas na pala ng mga suspek ang kanyang taxi gamit ang mga tubo ng tubig. 

At nang komprontahin niya ang mga ito, dito na siya pinagtulungang paggugulpihin ng mga suspek. 

Ayon sa hepe ng La Loma Police station na si PLtCol Romil Avenido, nakainom ang grupo ng mga suspek nang sugurin ang biktima.

Nahuli naman ng mga pulis ang pangunahing suspek samantalang 
pinaghahanap na ng mga awtoridad ang dalawang kasamahan pa nito na nanggulpi sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.