Home > News Magkaibigan tiklo sa buy-bust sa Navotas ABS-CBN News Posted at Feb 08 2023 11:08 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA - Arestado ang dalawa umanong tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Navotas City, Martes ng gabi. Napag-alamang residente ng Barangay San Jose, Navotas City ang mga suspek matapos kumagat sa poseur buyer ng intelligence operatives ng Navotas Police pasado alas 10 ng gabi. Sinasabing magkaibigan ang dalawang suspek, ayon sa team leader ng drug enforcement unit. Matagal na rin nilang minamanmanan ang isa sa mga suspek na si alyas “Nonoy” na kilalang source ng droga sa lugar. Higit P7-milyong halagas ng shabu nasabat sa QC Tumanggi muna silang humarap sa camera habang patuloy ang imbestigasyon. Nakumpiska naman mula sa mga suspek ang 5 plastic sachet na naglalaman ng anim na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P40,800 ang halaga. Mahaharap sila sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Karen de Guzman, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Navotas City shabu buybust