Home > News Ilang drayber, nangangambang magkautang para sa modernisasyon ng PUV ABS-CBN News Posted at Feb 08 2023 04:32 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Nangangamba ang ilang jeepney driver na malubog sa utang para sa modernisasyon ng kanilang mga sasakyang pamasada, sabi ng isang grupo ngayong Miyerkoles. Kamakailan, pinalawig ng gobyerno ang prangkisa para sa mga tradisyunal na jeep. Pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator at transport cooperatives na mangutang sa private financial institutions para makabili ng mga unit ng modern jeep. Pero sa panayam sa TeleRadyo, nababahala si Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) president Melencio Vargas dahil posibleng malubog umano sa utang ang mga driver at kooperatiba kung hindi sila kikita ng malaki sa pasada para makabayad sa kukuning loan. Hindi rin aniya sasapat ang subsidiya ng gobyerno dahil umaabot sa higit P2 milyon ang halaga ng isang unit ng modern jeep. Sa ilalim ng expanded equity subsidy program, may matatanggap na P160,0000 subsidy sa kada unit ng jeep ang mga operator o kooperatiba na uutang sa government financial institutions tulad ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP). Nasa P200,000 hanggang P360,000 ang subsidy para sa mga kukuha ng loan sa pribadong institusyon. Jeepney modernization: Road paved with difficulties, debt, danger Local builder unveils ‘Hari ng Kalsada’ modern PUV with traditional jeepney looks TeleRadyo, 8 Pebrero 2023 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo Read More: PUV jeep modernization ALTODAP transport commute