Drug suspek, arestado sa buy-bust operation sa Antipolo

Reniel Pawid, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2022 08:06 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Naaresto nitong Linggo ng gabi sa isang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Antipolo City Police Station ang isang lalaki na kinilalang si alyas ‘Tan.’

Isinagawa ang operasyon sa isang bahay sa Cabrera Road, Brgy. San Roque sa Antipolo City.

Agad naaresto ang suspek matapos positibong makabili ng P500,000 droga ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P19,720 at buy-bust money.

 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

--TeleRadyo, 8 February 2022