PatrolPH

3 arestado dahil sa iligal na droga sa Lucena

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2022 09:05 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Tatlo ang arestado matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency-Quezon at Lucena City Police ang isang bahay sa Barangay Cotta na umano’y ginagamit bilang drug den.

Nakatatanggap ng sumbong ang mga otoridad na may mga iligal na aktibidad na nangyayari sa naturang lugar na ginagawa umanong bentahan at gamitan ng iligal na droga.

Timbog sa buy-bust operation ang 41-anyos na babaeng target ng operasyon at itinuturong may-ari at nagpapatakbo ng drug den.

Arestado rin ang isa pang babaeng vendor at isang lalaking pintor na natukoy ng mga pulis na drug personalities din.

Mga residente sila sa naturang barangay at inaalam pa ang ibang mga parokyanong posibleng mula rin sa kanilang lugar.

Kumpiskado sa kanila ang nasa P102,000 na halaga ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Pare-pareho silang kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

--TeleRadyo, 8 February 2022

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.