Home > News Mga nahuling walang face mask sa Silay City, ipinarada sa kalsada ABS-CBN News Posted at Feb 08 2021 09:15 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Ipinarada ang mga residenteng nahuling walang face mask sa Silay City, Negros Occidental, ayon sa isang video na ipinost ng pulisya sa social media noong Biyernes. Ito umano ang ginawang parusa imbis na kasuhan ang mga lumabag sa lokal na ordinansa. Isinailalim din sa seminar ukol sa health protocols ang mga ito, ayon sa pulisya. Giit ng Commission Human Rights, dapat maghigpit sa pagpapatupad ng health protocols pero kailangan pa ring protekahan ang karapatan ng bawat mamamayan. Maaari umanong kasuhan sa ilalim ng Anti-Torture Act ang pamamahiya at hindi makataong pagtrato sa mga lumabag sa naturang ordinansa. CHR: Probe underway after Silay police paraded COVID protocol breakers Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Tagalog news, regional news, regions, Negros Occidental, Silay, Silay City Police, face mask, CHR, Commission on Human Rights Read More: Tagalog news regional news regions Negros Occidental Silay Silay City Police face mask CHR Commission on Human Rights