PatrolPH

Lalaki bugbog-sarado matapos umano manghipo ng dalagita

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2023 06:34 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Arestado ang isang 23-anyos na lalaki na kinuyog ng taumbayan matapos manghipo umano ng kapitbahay na menor de edad sa Barangay Holy Spirit, Quezon City noong Linggo.

Ayon sa report ng Holy Spirit Police Station, natutulog na umano ang biktima nang maramdaman niyang may humahawak sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Pagdilat ng bata, nagulat na lang siya nang makita ang suspek at humingi ng saklolo.

Bugbog sarado ang suspek nang dalhin sa presinto.

Itinanggi naman ng suspek ang binibintang sa kanya at sinabing nanakawin lang niya sana ang cellphone ng biktima.

Tingin naman ng pulisya, nakagamit umano ng ipinagbabawal na gamot ang lalaki nang gawin ang krimen.

Ilalapit ang menor de edad na biktima sa social worker para dumaan sa counseling.

Mahaharap naman sa kasong acts of lasciviousness ang suspek. - Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.